HATAWAN
ni Ed de Leon
UMUGONG ang espeklulasyon ng mga blogger na malaki ang posibilidad na i-work out na ilipat naman sa GMA 7 ang It’s Showtime, matapos magdesisyon ang TV5 na alisin iyon sa noontime at ilipat sa isang delayed telecast para bigyang daan ang bagong show ng TVJ.
Natural ang desisyong iyon ng TV5 dahil tiyak na mas malaki ang kikitain ng network sa TVJ kaysa Showtime, lalo na’t sinasabi ngang 80% ng advertisers ng Eat Bulaga ay nagsabi nang sasama sila sa TVJ. Iyong natitira pang 20% tiyak iyon wait and see muna pero malamang sa hindi sumama rin iyan sa TVJ.
Sa ganyang development, talo ang GMA 7, siguro nga hindi rin naman sila maaapektuhan dahil magbabayad pa rin naman sa kanila ng blocktime ang TAPE Inc. kahit na sabihing bagsak ang sales ng Eat Bulaga. Pero ang matindi, dahil bagsak nga ang Eat Bulaga, tiyak apektado rin ang afternoon programming ng GMA 7. Kung titigil na nga ang TAPE Inc. ay makukuha naman ng Showtime ang blocktime slot, angat pa rin ang GMA, kung hindi tapon na ang kanilang aftenoon programs.
At kahapon habang isinusulat namin ito ay naglabas ng statement ang ABS-CBN at inihayag nilang mapapanood na ang It’s Showtime sa GTV simula July 1, Sabado.
At kung ang iisipin nga ng GMA ay mapanatili kahit na paano ang kanilang kita at ang audience standards ng kanilang network, baka nga kunin na nila ang It’s Showtime dahil talaga namang bulagta na sila sa Eat Bulaga ng TAPE. Ni hindi na nila pakikinabangan iyon sa kanilang promo, kung may Showtime sila magagamit pa nila iyon sa promo nila at baka mapasikat pa ang kanilang mga starlet, after all may mga artista na rin namang wala talagang name pero sumikat dahil sa Showtime, hindi nga lang siguro kasing sikat ng AlDub pero at least sumikat. Eh ngayon sa Eat Bulaga ang mga artista nila nababalolang sa dami ng bashers.
Iyon ang kailangang isipin ngayon ng GMA Kung posible bang makuha nila ang Showtime sa GMA para may ilaban naman sila sa show ng TVJ at huwag mabalolang ang kanilang afternoon slots.
Pero sa totoo lang ang nakikita naming saving grace para sa GMA ay makuha nga nila ang Showtime. Mahina rin kasi sila sa
production ng noontime show. Hindi ba marami na rin silang ginawa noon na hindi rin naman nag-click. Kahit na totoo pang makukuha nila sina Aiai delas Alas, Randy Santiago, at Bayani Agbayani bilang kapalit nina Paolo, Betong, at Buboy. Palagay namin hindi pa rin uubra.
Itigil na lang nila iyang Eat Bulagta nila.