Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bidaman Wize Estabillo Vice Ganda

Bidaman Wize isinisigaw ng bayan na maging co-host ng It’s Showtime

MATABIL
ni John Fontanilla

THANKFUL si Wize Estabillo sa magandang feedback sa kanya ng netizens bilang host ng It’s Showtime Online.

Maraming netizens ang nagagalingan sa binata bilang host ng online ng It’s Showtime na very lively at may sense ang mga sinasabi. Kaya naman marami ang nagre- request na mapasama na si Wize sa magiging regular host ng noontime show.

Ayon kay Wize, “Sobrang thankful ako sa mga regular at walang sawang nanonood ng ‘It’s Showtime Online’ dahil nagugustuhan nila ‘yung ginagawa ko.

“Masarap sa pakiramdam ‘yung mga taong naa-apreciate ng mga bagay na gusto mong gawin and mas nakai-inspired na mas pagbutihan ko pa ang trabaho ko dahil alam kong may mga napapasaya akong tao.”

Isa sa dream nito na maging regular co-host ng It’s Showtime. “Sino naman po bang ayaw, isang malaking karangalan na maging co-host ka ng ‘It’s Showtime.’ Siguro kung para sa akin ‘yun, mangyayari ‘yun kapag ibinigay ni Lord. Let’s just wait sa tamang oras at panahon.”

Sa ngayon ay happy si Wize sa magagandang nangyayari sa kanyang career, dahil bukod sa It’s Showtime Online ay kaliwa’t kanan ang mga proyektong ginagawa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …