Sunday , December 22 2024
Julie Anne San Jose

Julie Anne San Jose durog  na durog sa bashers

MATABIL
ni John Fontanilla

DAHIL sa sandamakmak na lait ng netizens kay Julie Anne San Jose mabilis na iniba ng GMA 7 ang nauna nilang bansag sa singer, actress and host sa plug sa singing reality show na The Voice Generations. 

Mula sa pagiging The Pop Icon Coach ay ginawa na itong The Limitless Star Coach.

Inulan ng batikos si Julie Anne nang bansagan itong  “Pop Icon” na orihinal na bansag  sa singer-actress-host  na si Jolina Magdangal.

Bira nga ng netizens kay Julie Anne, ni wala ito sa kalingkingan ni Jolina na sumikat ng bonggang-bongga at maraming hit songs at bumentang album, samantalang  si Julie Anne ay mabibilang pa lang sa daliri ang sumikat na kanta at wala silang matandaan na bumentang album.

Kaya naman kahit iniba ng GMA ang taguri kay Julie Anne ay marami pa rin ang namba-bash dito.

Kasi bakit pop icon – kahit sensation di nga e lol.”

“Push na push nga ng GMA to pero wala pa ding star appeal sa true lang ! “

“Actually kahit yung Asia’s limitless Star di rin bagay sa kanya dito nga di yan sikat Asia pa kaya and wala syang napasikat na kanta so please lang.”

Pop Icon pa kasing nalalaman hindi nga yan maka soldout ng concert kahit Music Museum lang Lol.”

Ilan lamang ito sa mga reaction ng netizens.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …