Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Mariel Rodriguez Alfred Vargas Christian Bautista

Claudine, Mariel, Alfred, Christian host sa 38th Star Awards for Movies  

MATABIL
ni John Fontanilla

ABALA na ang The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sa paghahanda para sa 38th Star Awards for  Movies na gaganapin sa July 16, 2023 sa Manila Hotel.

Magsisilbing hosts ng awards night sina Claudine Barretto, Mariel Rodriguez-Padilla, Quezon City Councilor Alfred Vargas, at Christian Bautista. Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng gabi ng parangal.

Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para sa paghahatid ng modern Filipiniana theme ng naturang awards night.

Masaya ang ginawang pag-welcome ng Gutierez Celebrities & Media Production sa PMPC sa pangunguna ng kasalukuyang pangulo nitong si Fernan De Guzman.

Gusto naming magpasalamat sa aming bagong producer na si MJ ng Gutierez Celebrities & Media Production sa tiwala na ibinibigay sa PMPC. Sana ay maging maayos ang ating awards night para sa 38th Star Awards for Movies,” pahayag ni Pangulong De Guzman.

May mensahe rin si Gutierez para sa officers at members ng PMPC.

“Nagpapasalamat din po ako sa pag-welcome niyo sa akin at sa buong team namin. Kahit bago pa lang kami, maraming salamat sa trust na ibinibigay niyo sa amin. Hindi biro itong Star Awards na ito kasi talagang pinag-uusapan. 

“Salamat at kami ay naging parte nito, nagtiwala kayo sa amin. Thank you so much po. And asahan niyo po na ibibigay namin ang something different para tumatak ang partnership natin para sa 38th Star Awards for Movies,” ani Gutierez.

Ang awards night ay pamumunan ni De Guzman bilang overall chairman kasama ang 2023 PMPC officers at board of directors. Ang kasalukuyang Vice President na si Mell Navarro ang tumatayong chairman ng 38th Star Awards for Movies katuwang ang PMPC Asst. Treasurer na si Lourdes Fabian bilang co-chairman.

Pangungunahan ng dalawang industry icons ang mga pararangalan ngayong taon – ang veteran actress na si Helen Gamboa para sa Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at award-winning master director na si Chito Roño para sa Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …