MATABIL
ni John Fontanilla
WAGI na naman sa TV ratings ang action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ nitong June 11.
Ayon sa NUTAM People Ratings data, nakapagtala ang second episode nito ng 13.4 percent na higit na mataas sa rating ng pilot episode na 12.3 percent.
Patuloy ang pagsuporta ng Kapuso viewers na linggo-linggong sinusubaybayan ang programa.
“Every Sunday lagi ko pong pinanonood si Senator Bong Revilla sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.’ Idol na idol ko po kayo Senator Bong Revilla mula noon hanggang ngayon. God bless po.”
Hirit naman ng isa pang supporter, “Inaabangan ko lagi ‘yan, Idol! Congratulations po, Tolome!”
Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.