Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bernie Batin Vice Ganda

Tiktok Superstar Berni Batin idolo si Vice Ganda

MATABIL
ni John Fontanilla

MASALIMUOT ang naging journey ng career ng isa sa Tiktok Superstar  na si Berni Batin bago niya narating ang kasikatan sa online world na tinatamasa ngayon.

Iiba’t ibang trabaho ang pinasok niya para kumita para sa kanya at sa kanyang pamilya.

At nang magpandemic ay at saka siya nagdesisyong gumawa ng content sa Tiktok bilang supladang tindera sa sari-sari store na nag-click at nagpabago ng kanyang buhay.

Ngayon nga ay susubukan naman nito ang mainstream at ang Unkabogable na si Vice Ganda ang  inspirasyon ni Berni para maging mahusay na host/ comedian.

Ang sobrang idol ko po talaga sa pag-arte at pagho-host ay si Vice Ganda.

“Kasi simula ko po siya nakita, sobrang talino niya, sobrang bilis mag-isip talagang all in package siya, marunong kumanta, marunong sumayaw, marunong umarte, marunong magpatawa, so, parang nasa kanya ng lahat.

“Dream ko nga po na makasama si Vice Ganda sa shows o pelikula.

“Sana ay patuloy pa rin akong samahan ng aking mga follower, ang supporters kung saan man ako mapunta, pero ngayon po gusto ko pong magkaroon ng show like teleserye o pelikula.

Simula pa kasi noon gusto ko na talaga maging artista, kaya naman sobrang saya ko kasi natutupad na unti-unti ang pangarap ko.”

At isa nga sa aabangan ngayong taon kay Berni ay ang paglabas ng kanyang kauna-unahang kanta entitled Utang Mo composed by Joven Tan under Star Music.

Ngayon po ang aabangan sa akin, eto po ‘yung launching ng aking kanta na pinamagatang ‘Utang Mo’ na mula sa komposisyon ni Joven Tan under Star Music.

“Nakatutuwa nga po kasi pinagkatiwalaan ako ng Star Music na magkaroon ng kanta, kaya nagpapasalamat ako sa kanila,”pagtatapos ni Berni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …