HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKIKIPAGTSISMISAN ang isa naming source nang bigla naming maramdaman ang lindol. Kasunod niyon nag-warning na ang NDRRMC sa mga cellphone na isang malakas na lindol nga ang tumama sa Calatagan, Batangas. Dito nga sa Maynila pinatigil agad ang MRT at LRT at nag-inspeksiyon muna sila bago muling pinatakbo ang mga tren.
Sinuspinde rin ang fligths ng ilang eroplano hanggang hindi natitingnan ang mga runway. Talagang matindi ang lindol na iyon.
Ang pinatsitsismisan naman kasi namin ay ang mga sex scandal ng mga male star na pinagkakaguluhan ng mga bading sa isang social media plat form at ibinebenta naman ng iba sa kanilang mga kapwa bading.
Makikita mo ang kanilang alukan, lahat ay nagsasabing “avail ka na” at hindi biro-biro ang presyo ha, mas mahal pa sa Vivamax.
Ang katuwiran nila sa mga scandal ay totoong sex ang makikita, samantalang iyong galing sa mga indie, ‘staged” lamang, puro arte.
Bagama’t ang maugong ngayon ay iyong sex scandal ng isang model starlet, kuha nga lang daw iyon sa indie kaya hindi masyadong mabili.
Ayon sa mga trader, ang hinahanap pa rin daw ngayon ng mga collector ay iyong sex video ng isang poging model noon na nai-video ng kanyang manager, at ang mga video ng poging doktor na kasama ang
kanyang mga girlfriend.
Kaya raw mabili iyon hanggang ngayon, kasi nga ang lumabas noong araw ay mga malalabong analog videos lamang, ngayon digitally enhanced na ang mga kopya kaya mas malinaw at maganda pa ang kulay.
Nabibili pa rin daw iyon ng hanggang P1K bawat isa samantalang ang ibang scandal na bago, mga P300 lang at kailangan mga 20 na iyon.
Pero bakit nga ba hindi pa yata nagsasawa ang mga tao sa mga malalaswang panoorin samantalang may nag-video streaming na ng mga soft porn na pelikula? Sa tingin nila iyong kahalong trivia ng mga scandal na iyon ang dahilan kung bakit interesado ang mga tao at willing magbayad ng mahal, after all pagdating ng araw ay mapag-usapan pa rin iyan at maipagyayabang nila na mayroon silang magandang kopya.
Iyon naman daw mga soft porn na indie na inilalabas sa video streaming, napipirata pa rin pala. Nalagay ang mga iyon sa mga CD at ibinebenta pa rin sa Quiapo. Marami naman kasi na hindi techie at hindi nga sanay sa internet streaming at may iba rin namang gustong mapanood iyon sa mas malaking screen.