I-FLEX
ni Jun Nardo
MAHIHIGPIT na yakapan ang salubong kay Vilma Santos-Recto nang magkita silang magkakapatid sa bahay nila sa Amerika.
Imagine, limang taon din silang hindi nagkita dahil sa pandemic.
Ipinakita ni Ate Vi sa kanyang Instagram ang video ng pagkikita nila ng kapatid.
Kasama ni Vi sa pagpunta sa Amerika ang asawang si Senator Ralph Recto at anak nilang si Ryan.
Hanggang early July ang pananatili nila roon dahil matapos ang showing ng movie nila ni Christopher de Leonna When I Met You In Tokyo, ang movie with Erik Matti naman ang gagawin.