HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKITA namin iyong video, akala mo isang foreign dignitary ang dumating sa studios ng TV5, pumapasok pa lang ang saksakyan, may nakapaligid na agad na mga security personnel at igina-guide patungo sa parking. Ganoon ang naging pagsalubong nila sa TVJ at sa mga
Dabarkads nang dumalaw ang mga iyon sa ginagawa pa nilang studios at para sa isang simpleng lunch na inihahanda nila kasama ang ibang mga empleado ng TV5. Simple lamang ang ulam, tinolang manok at pritong tilapia, pero ang mahalaga ay nagkasalo-salo sila.
Kasabay naman niyon ang katuwaan nila ay inilabas nina Maine Mendoza at Ryan Agoncillo nang live sa social media at alam
ba ninyong naka-4 million views sila. Kung iyan mismo ay show na at nasa free tv na, ilang milyon na kaya ang manonood sa kanila? Talagang bulagta pa rin ang kalaban nila.
Mahirap talunin ang TVJ at ang mga Dabarkads, at kung alam na nilang ganoon ano pa nga ba ang dahilan at nagpipilit sila gamit ang mga second stringers? Kung ganyan din lang bakit nga ba hindi pa nila itigil? May nakikita pa ba silang chances?