Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame Isko Moreno

Willie kailangan ng Eat Bulaga, Isko ‘di nakatulong sa pag-alagwa ng ratings

HATAWAN
ni Ed de Leon

MUKHANG hindi rin naman nabago ang status ng Eat Bulaga kahit na nag-host din si Yorme Isko Moreno. Wala na sila talagang batak, araw-araw dumadausdos ang kanilang audience share kaya maliban na lang doon sa nakapagbayad at may kontrata na in advance, lumalayas na rin ang sponsors nila. Hindi rin nila maaaring asahan iyong nakapirma na sa kanila, maaaring mag-cancel pa rin ang mga iyon kung talagang babagsak na sila.

Palagay namin ang pinaka-ok pa rin ay kung makukuha nga nila si Willie Revillame para itapat sa original na Eat Bulaga at sa It’s Showtime.

Iyong kondisyon naman ni Willie sa tingin namin ay justified. Ayaw lang niyang saluhin ang Eat Bulaga. Gusto niya sarili niyang show ang i-host niya. Kung kami ang mga Jalosjos, payag na kami roon kaysa naman ipilit nila ang Eat Bulaga na mukhang hindi naman nila kaya.

Wala naman silang makukuhang maitatapat sa TVJ eh, kasi alam naman ng

lahat ng inaalok nila na magkakaroon ng comparison at sila ang kawawa.

Aasahan kasi sa kanila ang nagawa ng TVJ.

Kawawa rin ang GMA 7 diyan, dahil kung magpapatuloy nga sa pagbagsak ang Eat Bulaga, tiyak ang apektado ang kanilang afternoon programming na nawalan na ng malakas na pre-programming support. 

Kung ang inaalala lang ng mga Jalosjos ay ang kontarata nila sa GMA 7. Mag-negotiate na lang sila na kanselahin na iyon, maiiwasan pa nila ang mas malugi nang malaki. Tutal sa takbo ng mga pangyayari, wala nang pupuntahan iyang Eat Bulaga nila kundi bumagsak at malugi, ano pa ang ilalaban nila? Pride? Mahirap pairalin ang pride sa ganyang sitwasyon na alam mo na rin namang talo ka.

Kung totoo ang sinasabi nila noon na may palagay silang may mga anomalya kaya sila nakialam. Siguro naman alam na nila by now kung nasaan ang  problema. Kung ang iniisip nila ay party list nga, baka nagkakamali sila dahil naging negative ang dating nila, patay na ang ambisyong iyon. Magpapalugi pa ba sila nang mas malaki pa?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …