ni Ed de Leon
IBANG klase rin ang gimmick ng isang Ermita pimp. Ang tindi ng raket, ibinu-book niya sa mga bading ang mga male starlet na hindi naman pala niya kilala. Kung may kumagat sa budool niya, at saka siya maghananap ng iba namang pimp para ma-contact ang starlet. Kung wala siyang makuhang contact, magpapalusot siyang may taping at aalukin naman niya ng iba na may contact siya.
Pero kawawa ang mga starlet kasi napakalaki ng sinisingil ng bugaw tapos barya lang ang mapupunta sa mga isinasalang nila.
Nagkabukuhan nang may isang male starlet na tumawag sa kanya nag-alok naman ang pimp, ang ginawa ng male starlet ibinook niya ang sarili niya, sinisingil siya ng P50. Umokey siya, pero hindi naman niya kilala ang pimp, noong tumawag ulit sa kanya at nag-aalok ng iba na lang dahil nasa taping daw siya, minura na niya ang bugaw na gumagamit ng kanyang pangalan.
Sinabi na rin niya sa ibang ginagamit din ng bugaw ang pangalan at pictures, kaya malamang mabubugbog na lang iyang pimp na iyan sa dami ng niloloko niya.