Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leren Mae Bautista Ricci Rivero

Leren Mae iginiit wala silang relasyon ni Ricci: Fake news at wala raw basehan

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG beauty queen at konsehalang si Leren Mae Bautista (Miss Tourism Queen of the Year International 2015 at Miss Globe 2019 pageant 2nd runner-up.) ang itinuturong dahilan daw ng hiwalayang Ricci Rivero at Andrea Brillantes.

Ang magandang beauty queen/politician daw ang bagong nililigawan ng sikat na basketbolista.

Kaya naman noong ika-25 kaarawan ni Ricci ay sa Los Baños ito nag celebrate, ang lugar kung saan nanunungkulan si Leren bilang konsehala at doon ay nagsagawa ang mga ito ng feeding program.

Ibinahagi ni Leren sa kanyang social media account ang mga litrato ng pamimigay nila ni Ricci ng pagkain sa kanyang mga kababayan.

Nag-post si Leren ng litrato sa kanyang Instagram na may caption na, “Happy Birthday @ricciiirivero! Thank you for spending your birthday here in Los Baños. We appreciate your love and generosity to give back to our people. Mabuhay ka!” 

Sa kabilang banda, agad namang nilinaw at pinasinungalingan ng beauty queen ang kumakalat na tsismis na siya ang rumored girlfriend ni Ricci.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, naglabas ito ng opisyal na pahayag at iginiit na wala siyang “romantic relationship” kay Ricci.

Aniya, hindi totoo ang mga akusasyon sa kanila at isa itong fake news.

Katunayan, ipinatanggal na ni Leren ang video na ipinost ni Ricci para matapos na ang usap-usapan sa kanila. 

Aniya sa opisyal na pahayag na ipinalabas sa FB, “The Office Of Councilor Leren Mae Bautista wants to make it clear that these claims are entirely false and have no basis in reality.

“We call on everyone to do the importance of fact-checking information shared across various internet platforms.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …