I-FLEX
ni Jun Nardo
POSITIBO ang feedback ng manonood at netizens sa pag-apir ni former Manila Mayor Isko Moreno last Saturday sa Eat Bulaga.
Eh bukod sa perang ipinamigay sa segment niya sa loob ng isang jeep, dumukot pa siya ng sariling pera upang magbigay sa ilang pasahero lalo na ang isang nanay.
Nagpasampol muna ng paggiling si Isko sa studio bago lumabas. Nang tanungin siya ni Paolo Contis kung magiging bahagi rin siya ng Bulaga, ang tanging sagot ni Isko eh, ‘Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?’”
Of course, kung sa araw na ito, Lunes, ay mapapanood pa rin si Isko sa programa eh alam na ninyo ang sagot.