HATAWAN
ni Ed de Leon
IYONG sikat na Japanese bold star, o porn star na bang matatawag, si Eito Hoshina ay nakita raw ng ilan sa Boracay. Ibig bang sabihin ay may gagawin silang gay porn na ang shooting ay dito sa Pilipinas?
O may suspetsa naman sila na baka may isang mayamang gay na may exclusive party at si Eito ang kiunuhang performer?
Ano man ang dahilan at narito siya, ang daming nagpa-selfie na kasama siya, pati na mga babae. Sa Japan naman talaga marami siyang fans na babae eh, hindi lang mga bading. Kasi lumalabas din siya sa show sa isang girlie bar sa Tokyo, iyong dinarayo dahil sa mga hosto. At karamihan naman sa patrons niyon ay mga mayayamang babae, mga matrona at mga working girl sa Japan, na kayang gumastos sa mga hosto. Oo sikat si Eito Hoshina, na kilala sa tag na Eight.
May panahon ding nag-perform siya sa Macao, na uso rin ang male entertainers. Magtataka ba kayo kung makita rin siya sa Boracay.
Pero tutuklasin natin ang kuwento para malaman natin baka may involoved na local celebrities.