Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eat Bulaga its showtime

Eat Bulaga ng mga Jalosjos natatalo na ng It’s Showtime

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG nakaraang Huwebes, lumabas ang ratings ng bagong Eat Bulaga ng mga Jalosjos na patuloy dumadausdos ang ratings. Nakakuha na lamang sila ng 3.5% audience Share. Pero siyempre sasabihin nila na lamang pa rin naman sila sa kalaban nilang It’s Showtime na nakakuha lamang ng 3.4% audience share. Ibig sabihin ang lamang na lang nila sa Showtime ay .1%, aba malaking kahihiyan iyon. 

Iyang bagong Eat Bulaga ng mga Jalosjos ay nasa GMA 7, isang network na ang power ay 150KW at may 90 provincial stations. Lahat ng urban areas may relay sila. Iyong Showtime ay sa ABS-CBN na walang estasyon dahil walang prangkisa, inilalabnas lamang sa cable at internet, at umaangakas sa dalawamng estasyong mababa ang power. Iyong isa ni walang relay station kundi sa Palawan. Nakababawi lang sila sa TV5 na sampu ang provincial stations. Kung iisipin mo base sa datos, talo na sila ng Showtime.

Paano kung bumalik ang original na Eat Bulaga, tiyak mas mawawalan pa sila ng audience at tiyak na mas panonoorin ng tao ang TVJ, saan pa kaya sila pupulutin niyan? 

Nagkaroon pa sila ng issue dahil iyong isa raw piniling ciontestant at nanalo sa kanila ay katulong pala sa paresan ng komedyanteng kulay kalawang ang buhok. May naglabas pa ng mga picture at video na magkasama ang komedyante at iyong Lelet sa pagtitinda ng pares. Wala nang maaasahan kung  ganyan.

Kahit na sa kanila pa ang title na Eat Bulaga, eh mukha lang ng TVJ, Eat Bulaga na eh alisin mo man ang title. Hindi makatutulong diyan ang dating mayor ng Maynila na natalo sa pagka-presidente. Hindi rin nakababatak ng audience ang komedyanteng hindi makapag-sustento ng mga anak. Hindi rin nakababatak ang magkapatid na maganda at guwapo nga, wala namang mailabas na talent. 

My notice na sila ng pull out ng mga sponsor. 

Kaya palagay namin hindi na rin tatagal ang labanang iyan. Matatalo na sila ng Showtime at matatabunan na paglabas ng totoong Eat Bulaga. Ibahin mo man ang label ng champoy, champoy pa rin iyan. Iyong nilagang kamote, lagyan mo man ng label hindi mo mabobola ang mga tao na champoy iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …