MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ni Bea Alonzo na enggaged na sila ng kanyang boyfriend na si Domic Roque.
Ayon kay Bea, paanong magiging enggaged sila ni Dominic samantalang hindi pa naman nagpo-propose ang binata.
Sa isang interview, ay sinabi ng mahusay na aktres na sa ngayon ay wala sa plano niya ang lumagay sa tahimik at maging Mrs. Roque.
“Hindi pa po, hindi pa,” anang aktres.
Kumalat ang balitang engaged na sila ng nobyong si Dominic nang mag-viral ang litrato nila na sobrang sweet habang nagdi-dinner sa isang beach resort.
“Picture ‘yun noong nagpunta kami sa Amanpulo a few years ago. Si Dom kasi mahilig siyang mag-late post ng mga photo. Akala ng mga tao, na-engage kami. Hindi, hindi pa po,” paliwanag ni Bea.
Walang balak ilihim nina Bea at Dominic sa kanilang supporters if ever enggaged na sila.