Sunday , December 22 2024
Eat Bulaga
Eat Bulaga

Jalosjos gusto lang daw magbawas ng gastos

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON lang sinasabi ng mga Jalosjos na gusto nila talagang magbawas ng gastos kaya sana gusto nilang three times  a week na lang lumabas ang TVJ (Tito, Vic & Joey), at gusto rin daw nilang bigyan ng mas magandang exposure ang JoWaPao (Jose, Wally, Paolo). Kung naging maliwanag iyan sa simula pa lang hindi siguro nagkaron ng gulo. 

Pero palagay kaya ninyo, kung maiiwan ang Jowapao sa show, makakaya nila ang style at batak ng TVJ? Hindi kaya ang mangyari sa kanila ay kung ano lang din ang nararanasan ngayon ng pumalit sa kanilang BuLoTong (Buboy, Paolo, at Betong) na nilalait ng mga tao?

Masusudan pa iyan ng gulo sa agawan ng titulo ng Eat Bulaga. Tiyak iyon ipipilit ng TAPE Inc na sa kanila ang title dahil sila ang unang nagparehistro niyon noong 2011. Pero kung iisipin na 1979 pa iyang Eat Bulaga, sino  ang nakaisip at nag-imbento ng title?

Maaaring sila ang legal  na may-ari ng title pero maliwanag na hindi sa kanila galing iyon. Lalabas na inaangkin nila iyon kay Joey de Leon na siyang nag-imbento ng title, at ilalayo na naman nila ang sarlli nila sa masa. Kung aaminin na lang nilang nagkamali sila sa diskarte sa take over at pababayaan na lang iyan, hindi sila magiging kontrabida sa mata ng tao, wala na silang kaaway, at makaiiwas sila sa mas malaki

pang pagkalugi. 

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …