I-FLEX
ni Jun Nardo
INIWAN na ni Dennis Trillo ang manager niyang si Popoy Caritativo after 20 years.
Magkasama na sina Dennis at asawang Jennylyn Mercado under Aguila Entertainment ni Becky Aguila.
Tanda pa namin noong iniikot ni Popoy si Dennis sa press para ipakilala na bago niyang alaga mula sa ABS-CBN.
Nagawa ni Popoy na mapabilang sa cast ng Regal movie na Aishite Imasu si Dennis na si Judy Ann Santos ang bida.
Isa siyang lalalaking nagbihis babae at nagustuhan ng Japanese officer. That made Dennis para nanalo ng maraming awards. Naging bankable leading man dahil magaling na aktor.
Now, the separation between the talent and the manager. Anyare? ‘Yan ang malaking tanong ng lahat.