Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX Bellas VMX V Viva Cafe

VMX Bellas at VMX V idea ni Boss Vic

REALITY BITES
ni Dominic Rea

SA katatapos na Viva One app launch at 7 Million Subscribers celebration ng Vivamax ng Viva sa Viva Cafe, Araneta City unang nasilayan ang all female group na VMX Bellas na mismong si Boss Vic Del Rosario ang may idea para buuin.

Ang VMX Bellas ay kinabibilangan nina Quin Carrillo, Hershie De Leon, Tiffany Grey, Angelica Cervantes, at Denise Esteban. Sing and dance ang grupo na under the management of Len Carrillo kasama ang Viva Artist Agency. 

Nagkaroon din ng solo-launching ang grupo last week at doon nga namin napanood ang todong performance ng limang girls na sinuportahan ng kanilang masusugid na tagahanga at halos 25 press members ang inimbitahan ng 316 Events and Talent Management para sa launching. 

Noong gabing ‘yun ay ipinakilala rin ang bagong tatag na all male group, ang VMX V na kinabibilangan naman nina Sean De Guzman, Marco Gomez, Itan Magnaye, Mon Mendoza, at Calvin Reyes

Ayon kay Len, tuloy-tuloy pa rin sa paggawa ng pelikula ang kanyang mga alaga at dagdag lamang itong binuong grupo sa kanilang karera bilang mga artista ng Viva.

Mukhang umaariba ngayon sa bakuran ng Viva ang mga alaga ni Len at love na love siya ni Boss Vic huh. 

Kung sabagay, ma-PR din kasi si Len kaya naman pati ang pagiging connected niya ngayon sa Viva bilang isa sa mga in-house producer ay nasungkit ng aming kaibigan. Bongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …