Monday , April 7 2025
Risa Hontiveros LGBTQ+ Rainbow

Senator Risa dismayado
SOGIE EQUALITY BILL PARA SA LGBTQ+ HINDI PRAYORIDAD NG SENADO

BINATIKOS ni Senador Risa Hontiveros ang naging pahayag ni Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva na hindi prayoridad ng Senado ang SOGIE Equality bill sa sandaling bumalik na ang sesyon sa Hulyo 24.

“It is sheer numbness to say that the SOGIE Equality Bill is not urgent,” wika ni Hontiveros, pangunahing may-akda ng panukalang batas.

Sa kasalukuyang nakabinbin ang panukala sa ilalim ng Committee on Rules na pinamumunuan ni Villanueva matapos bumoto ang Senado noong unang bahagi ng taon na ibalik ang panukala sa unang pagbasa kasunod ng pagtutol ng mga religious groups.

“Bigyan natin ng hustisya ang ating mga kababayang hindi malayang nakakapamuhay dahil lang sa kasarian nila. Paulit-ulit sa balita ang mga mag-aaral na nabubully dahil sa kanilang SOGIE, mga napagkakaitan ng serbisyong medikal, at hindi nakakakuha ng ganap na benepisyo sa trabaho dahil sa diskriminasyon,” paliwanag ng senadora.

Nauna dito ay natapos na ng panel ni Hontiveros ang kanilang committee report hinggil sa nabanggit na panukala at inaasahang i-sponsor para talakayin sa plenaryo.

Tiniyak naman ni Villanueva na hindi maglalaho ang naturang panukala sa kanyang komite.

Bunsod nito, hindi napigilan ni Hontiveros na ikumpara kung paano mabilis na naipasa ng Senado ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bill kahit na hindi umano kailangan habang ang SOGIE bill ay lagpas na sa Kongreso nang mahigit dalawang dekada.

“I expect that the bill will be allowed to go through the proper legislative process, according to the rules of the Senate. Yung Maharlika Bill nga na isang beses lang inihain sa Senado, na hindi naman kailangan sa ngayon, naipasa agad. Bakit yung SOGIE bill na napakatagal nang nandiyan, hinaharangan,” hinaing ni Hontiveros.

Nabatid na inihain ang unang anti-discrimination bill sa Kongreso mahigit dalawang dekada na ang nakararaan ngunit hindi ito naging batas dahil sa mahigpit ang pagtutol ng mga mambabatas at ng Catholic-dominated population.

“The bill has been languishing in Congress for over two decades. Dalawang dekada na walang proteksyon ang ating mga kababayang miyembro ng LGBTQ+ community. Let us not forget that they are our fellow human beings and citizens, too,” dagdag pa ni Hontiveros. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST FISMPC New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

Manila, Philippines – The Filipino Inventors Society Multi-Purpose Cooperative (FISMPC), supported by the Department of …

Chavit Singson Richelle Singson Ako Ilokano Ako Partylist

Ako Ilocano Ako Partylist suportado ng Transport groups

MAHIGIT 300 kinatawan mula sa mga pangunahing grupo ng transportasyon—kabilang ang Stop and Go Transport …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …