Sunday , November 17 2024
Bagong Eat Bulaga

Bagong Eat Bulaga walang ibubuga

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAMI ba ang tinatanong ninyo kung napanood namin iyong sinasabing bagong Eat Bulaga? Hindi po, pinatay na namin ang tv, kasi bago iyon narinig na naming magtataas daw ng singil ang Meralco, eh magsasayang ba naman kami ng kuryente at ng aming oras eh, sa simula pa lang akala mo eh karera ng daga sa isang peryahan. 

Nakinig na lang kami kung ano ang sinasabi ng mga tao pagkatapos sa social media, hindi mo mako-control iyan, sasabihin nila kung ano ang gusto nila.

Sa tingin namin walang ibubuga iyan. Hindi na namin sila napanood dahil pinatay na namin ang tv, pero ang nanghihinayang kami roon sa kambal ni Carmina Villaroel, isinama pa roon sa show na iyan, eh lalo na nga iyong Mavy, mabigyan lang ng tamang build up pang-matinee idol, pambida sa teleserye. Hindi bale sana kung ang inilagay nila riyan ay ang napakarami nilang baguhan na wala namang ka-spa-sparkle. Sana ang inilagay na lang nila riyan sina Ken Chan o si David Licauco nothing to lose sila.

Pero nautuwa kami na ginawa nilang host diyan si Paolo Contis dahil madaragdagan ang kanyang kita, baka sakali namang ngayon ay masustentuhan niya kahit paano ang kanyang mga anak. Kung sakali’t mabuntis din niya ang syota niya ngayon na hindi naman malayong mangyari, sana masustetuhan naman niya ang magiging anak nila, ‘di gaya noong naunang tatlo. Iyon ngang mga anak niya na may wastong isip na, gustong baguhin na ang kanilang pangalan at huwag nang gamitin ang apelyido niya.

Kung kami ang tatanungin, mas maganda nga siguro kung ang inilagay nila sa Eat Bulaga ay sina Boobay at Tekla baka sakaling may pag-asa pa. May pruweba na kasi ang dalawa at mas nakatatawa naman sila kaysa kay Bentong. O kaya nakipag-co prod na lang sila sa Viva, kinuha nila sina Chad Kinis, Lassy at iba pang mga bading doon, baka mas may pag-asa pa sila. Pero roon sa line up nila ngayon, wala iyan.

Hindi rin kami impressed doon sa sinasabi nilang live audience nila. Noong araw pa iyang mga live show, may kinukuha iyang grupo ng mga audience, may bayad iyon. Ang coodinator pa nga niyan ay iyong si Mega Oh-la-lanoong araw, na kasamahan ni John Fontanilla sa radyo. Malaki rin ang kita ng nasa audience ha, depende iyan kung ilang shows ang gagawin at kung gaano sila katagal manonood. May pakain pa iyan. Alam namin iyan kaya hindi kami mabobola ng maraming studio audience na tumatayo pa sa kanilang pagpalakpak, idinidirehe naman kasi sila ng floor director kung kailan sila tatayo para pumalakpak.

Natanong din namin, bakit hindi nila nakuha si Alden Richards eh dati iyan sa Eat Bulaga. Nagsalita ngayon ang aktor na ang loyalty niya ay nasa original na Eat Bulaga, ibig sabihin hindi siya sasama sa bago, kaya pala si Paolo na lang ang inilagay nila.

Ang itinatanong pa nila kung kukunin daw ng TV5 ang Eat Bulaga, paano na ang It’s Showtime. Eh iyon pala naman sa susunod na buwan ay tapos na ang blocktime agreement ng ABS-CBN at TV5 para sa blocktime ng Showtime, puwede na ngang alisin iyon.

Ikaw man naman ang TV5. Alin ba sa Eat Bulaga at Showtime ang pipiliin mo?

‘Pag babalik sa free tv ng original na Eat Bulaga, lalong wala na ang poor copy ng kanilang show.

About Ed de Leon

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …