ni Ed de Leon
NA-SHOCK ang isang male starlet dahil habang nakikipagwalwalan siya sa isang watering hole, nilapitan siya ng isang kakilala at mula sa cellphone niyon ay ipinakita sa kanya ang isang video scandal niya. Hindi niya maikakaila dahil kitang-kita ang kanyang mukha at ang mga tatoo niya sa katawan. Talagang siya iyon.
Aminado naman siyang siya nga ang nasa video, at kinunan daw iyon ng isang bading na naka-date niya noong araw. Binayaran daw siya ng P10k kaya pumayag siya. Hindi rin naman daw niya akalain na may makakikita niyong ibang tao.
Ngayon hoping against hope na lang siyang huwag nang kumalat iyon dahil kung hindi sirang-sira siya.