Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lizzie Aguinaldo

Lizzie mas bagay mag-artista kaysa singer

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAROROON kami noong launching ng plakang Baka Puwede Na ng baguhang singer na si Lizzie Aguinaldo. Ginawa niya iyon para sa Star Music. Ang composer at direktor ng pelikula na si Joven Tan ang gumawa ng kanta. 

Sa panahong ito sinasabing uphill ang labanan sa music industry. Napakahirap talaga dahil sa talamak na piracy. At bukod nga roon, hindi rin masyadong makakilos ang Star Music simula nang mawalan ng prangkisa at masara ang ABS-CBN. Ang promo nila na dati ay napakalakas sa radyo at telebisyon nila, ngayon ay wala na at puro na lang sila sa social media. Nagiging 

dahilan pa iyon ng piracy dahil oras na lumabas sa social media, naida-download iyon na isang porma rin ng piracy. Sino pa ba ang bibili kung may makukuha namang

pirated copy?

Isa pa, sa tingin namin dahil sa kagandahan ni Lizzie mukha ngang mas bagay siyang maging isang artista kaysa singer. Mas

malaki ang chances niya kung mag-aartista siya.

Hindi naman malayong mangyari ang ganoon dahil kasama na nga niya si direk Joven. Bukod doon, mukhang may kinalaman din naman ang mga magulang niya sa isang pelikulang ginagawa sa ngayon.

Kung kami ang tatanungin, mas mabuging gawin nilang artista si Lizzie, malakas ang kutob namin na mas sisikat siya bilang artista.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …