HATAWAN
ni Ed de Leon
SA pagpapakasal ni LJ Reyes sa kanyang boyfriend na si Phillip Evangelista, libre na naman si Paolo Contis sa sustento sa
anak nilang si Summer. Kung sa bagay, talaga naman yatang walang ibinibigay na sustento si Paolo sa kanilang anak ni LJ. Ang tingin namin diyan, iyong sustento ni Paulo Avelino sa kanyang aak kay LJ napakikinabangan din ng anak ni Contis.
Hindi ba ganyan din ang sitwayon ni Lian Paz na naanakan niya ng dalawa, wala ring sustento, kaya nang makapag-asawa si Lian ang dalawang bata ay parang inampon na lang ng kanyang asawa, lusot na naman sa sustento si Contis. Suwerte niyang si Contis tatlo na ang anak, pero hindi siya obligadong magbigay ng sustento.
Suwerte rin siya sa mga naaanakan niya, ingat lang baka sa susunod mapiga na siya. Aba dapat mag-isip na rin ang babae. Baka aanakan lang siya tapos basta may nakita na namang iba, iiwan siya at bahala na siya sa anak nila.
Aba eh, kung mangyayari uli iyan ang masasabi namin ay napakatanga na
niyong babae. Nakita na niya na dalawang beses nang nangyari pinatulan pa niya.
Wala naman tayong pakialam sa buhay nila, pero ang sinasabi lang namin iyan ay hindi magandang halimbaa. Huwag ninyong gagayahin.