Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Merly Peregrino Loyd Samartino Clark Samartino Keanna Reeves

Merly Peregrino may buwelta sa pamangkin ni Loyd Samartino

MATABIL
ni John Fontanilla

NADAMAY si Keanna Reeves sa isyu ng pamangkin ni Lloyd Samartino na si Clark Samartino sa businesswoman talent manager at founder ng The Abot Kamay Charities na si Merly Peregrino.

Sinagot isa-isa ni Mommy Merly ang mga rebelasyon ng kanyang dating alagang si Clark kung bakit ito umalis sa kanyang poder.

Ayon kay Mommy Merly sa usaping nasasakal at nawalan ng sariling desisyon,  “Eto ha! unang-una hindi ko siya kilala, may nagpakilala lang sa akin na gusto raw patulong sa akin. Nag-chat siya sa akin at sabi ko kung gustong magpatulong pumunta ng May 14, tandang-tanda ko dahil pumunta sina Sachzna (Laparan) at Jerome (Ponce) sa bahay at dumating siya at nagpakilala.

Nagpapatulong si Clark sa akin dahil ‘yung pangarap niya naudlot. Kaya tanong ko sa kanya bakit? Ang sagot niya, marami raw manager, pinagsamantalahan siya at pinerahan at hindi siya binibigyan kahit piso. ‘Yun ang sabi niya.

“At noong nagkaroon sila ng relasyon ni Keanna akala niya matutupad ang kanyang pangarap, which nagkamali na naman daw siya dahil nasakal siya, to the point na pati raw magulang niya ayaw ipakausap sa kanya. Sane scenario sa kapatid niya na ayaw din daw ipakausap sa kanya. Kaya tumakas daw siya na ang dala ay kaunting damit.

“Sabi pa niya na pinagselosan siya ni Keanna sa isang fan, kaya galit na galit si Keanna at inaway na siya. Sinabi pa niya na napilitan siyang tumakas at tinanggal niyang lahat ang kanyang social media as in nagtago siya para maiwasan si Keanna.

Eh ako naman si tanga, pusong mamon naniwala ako, maawain at noong natapos na ‘yung shooting ng pelikula sabi ni Direk Ryan Favis magkaroon kayo dapat ng kontrata. Sabj ko nga pipirma ka ba ng kontrata sabi niya oo pipirmahan ko ‘yan at hindi ko siya pinilit, walang sapilitan.

After ng pirmahan nagtapat siya kay Direk Ryan ukol sa  estado niya na hindi na siya binata at may dalawang anak at may girl pa raw na ipinakasal sa kanya. 

Kaya sabi ko bakit ngayon lang sinabi? Paano ko siya ipakikilala? Siyempre kailangan ‘yung ibi-build up ko binata. Sabi niya ‘okey lang tita, walang problema po ‘kung kailangan itago.’ Agree siya rion, tapos ngayon sasabihin niya ako ‘yung nagtago,” mahabang litanya ni Mommy Merly.

Sinagot din nito ang tanong na hindi binayaran si Clark sa pelikulang ginawa.

Sa tingin mo kaya kong gawin ‘yan? Alam mo na hindi ako marunong mag-agrabyado ng tao, ako po ay nagkaroon ng charity foundation dahil gusto kong tumulong,

“Hindi ako nagtayo ng charity foundation para mang-agrabyado ng mga tao. Kaya kung ako ay gusto niyang siraan pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ang Diyos na ang bahala,” giit ni Mommy Merly. 

Hinamon pa ni Mommy Merly si Clark na siraan siya habggang gusto nito.

At ‘yung sinasabi niyang hindi siya bayad sa pelikulang ginawa niya. Kulang pa ba para sa katulad niyang baguhan na sinugalan ko para ma? May ebidensiya ako (binayaran) kaya ‘wag niyang sabihin ‘di siya bayad, dahil bayad siya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …