Wednesday , November 12 2025
Kim Chiu Eat Bulaga

Kim Chiu nakisimpatya sa pagbababu nina Tito, Vic, at Joey

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGPAHAYAG ng suporta si Kim Chiu kina Tito, Vic, at Joey sa naging desisyon ng mga ito na mamaalam sa longest running noontime show, ang Eat Bulaga. 

Nahingan si Kim ng reaksiyon sa madamdaming “farewell announcement” ng TVJ noong Miyerkoles sa ilang minutong live episode ng Eat Bulaga. Ang Kapamilya actress ay bahagi ng It’s Showtime sa ABS-CBN na katapat ng Eat Bulaga tuwing tanghali sa GMA 7.

Ayon kay Kim, kahit na magkatapat ang kanilang show, suportado pa rin niya sina Tito Sen, Bossing Vic, at Joey dahil isa rin siya sa milyon-milyong Filipino na nakikisimpatya sa nangyari sa Eat Bulaga

Aniya, kahit anong mangyari, mananatili pa rin ang mataas na pagrespeto niya sa tatlong haligi ng entertainment industry. Kaya ang sabi ng dalaga, suportahan at igalang kung anuman ang naging desisyon ng TVJ.

“Change is nandiyan talaga ‘yan, eh. Parang hindi naman natin mababago ‘yan. And then ‘yung high respect ng bawat isa sa TVJ is really there, kahit saan man sila mapunta or kung anuman,” sambit ni Kim nang maka-usap ito sa launching sa kanya bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin.

“Susuporta at susuporta. Walang tao na hindi nakakikilala sa kanila. Sobrang taas po ng respeto natin sa kanila.

“Kung ano ‘yung desisyon nila and whatever is happening sa… anong tawag diyan, sa base nila, it’s for them,”anang dalaga.

Sinabi pa ni Kim na imbes maghilahan pababa, suporta ang kailangan ng bawat miyembro ng showbiz industry para na rin sa ikauunlad ng lahat.

“But for us, we just have to keep on supporting kung saan man sila magpunta, and that’s what they need also, the support.

“Lahat naman tayong mga artista kailangan natin yung suportahan talaga. Hindi tayo maghihilahan pababa, we have to push (forward),” giit pa ng dalaga. 

Inamin ni Kim na naging bahagi rin ng kanyang kabataan ang Eat Bulaga tulad ng iba pang celebrities na nagpahayag din ng kanilang kalungkutan gayundin ng suporta sa TVJ at buong Dabarkads.

Samantala, si Kim nga ang latest sister na nakiisa sa family ng nangungunang feminine hygiene brands sa bansa, ang Sisters Sanitary Napkins at Pantyliners.

Masayang-masaya ang Megasoft Hygienic Products Inc sa pagpayag ni Kim na maging kabahagi nila dahil nasa aktres ang qualities na akmang-akma sa kanilang produkto. 

Ayon nga kay Ms Aileen Choi Go, Megasoft Vice President, sobra niyang hinahangaan si Kim na bagamat sikat at may pangalan na sa industriya, nananatili ang kababaan ng loob nito at inspirasyon sa mga kabataan.

Para naman kay Kim  ang pagtatrabahong mabuti ay natural na dumarating sa isang tao kaya naman sa pagpili niya ng mga produkto ang gusto niya’y umaayon sa kanyang lifestyle. At ang Sisters Sanitary Napkin and Pantyliners ay isa roon. Bukod sa mura at matibay, breathable at absorbent din ang pads nito at ang adhesives nito ay maganda na tumutulong para hindi magkaroon ng tagos ang mga kababaihan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …