Friday , July 26 2024
Kim Molina Jerald Napoles Darryl Yap

Kim naiyak, Direk Darryl may isiniwalat

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IKATLONG pelikula na nina Kim MolinaJerald Napoles, at Direk Darryl Yap ang pelikulang Seoulmeyt ng Viva Films. Una silang nagsama-sama sa Jowable noong 2019 at sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam noong 2021.

Pero muntik na palang hindi matuloy ang ikatlong pelikula dahil sa politika.

Sa pagsisiwalat ni direk Darryl hindi naiwasang maluha ni Kim dahil sa una palang nilang pagsasama, sa pelikulang Jowable, magkahawak kamay nilang sinabi sa isa’t isa na iyon ang umpisa ng kanilang mga pangarap.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, naabutan ng eleksiyon ang dapat sana’y umpisa ng shooting ng ikatatlong pelikula. Na dahil sa magkakaiba ng sinuportahan, naapektuhan ang friendship nila. Nagkaroon ng hindi pag-uusap kaya nabinbin ang shooting.

Pero mas nanaig ang pagkakaibigan, natuloy ang proyekto.

It was a Del Rosario issue, it was an issue for the bosses, way back 2022, kung paano kami mag-work together nang hindi kami nag-uusap pa.

Na-move nang na-move hanggang sa birthday ni Boss Vic (del Rosario), October 2022, doon kami nagkita-kita tapos all of a sudden, sabi sa akin ni Boss Vic, ‘ Pumunta ka na to break the ice para hindi na kayo awkward ni Kim.’

Doon kami nagkita ni Kim for the first time after the elections.

Inihayag pa ni direk Darryl na 2024 na sila naging ok ni Kim.

Pero I never recall na mayroon akong sama ng loob kay Kim,” anang direktor.

Ang Seoulmeyt ay Isang K-drama fanatic na matatagpuan na sa wakas ang “oppa” na kanyang pinapangarap.

Isa itong romantic-comedy na mapapanood sa mga sinehan sa May 29, 2024.

Tampok sa Seoulmeyt na ika-16 film ni Darryl ang kuwento ng isang social worker at K-drama fan na mula sa isang komunidad na sinalanta at napinsala ng bagyo.

Isang araw, isang kompanya mula Korea ang mag-aalok ng magandang oportunidad na bilhin ang lupa at magtayo roon ng isang port. Ipinangako  sa mga residente na magbibigay ito ng mga bagong trabaho at mas magagandang pamamahay. Bilang community leader, si Lunie ang makikipag-negosasyon sa anak ng may-ari ng kompanya na si Park Ju Tae (ginagampanan ng Korean actor na si Ha Ju-young).

Dahil ayaw makipagkita ni Ju Tae sa mga may-ari ng lupa, aatasan niya ang kanyang makulit na assistant na si Juanito “Jun” Mamaril (Jerald) na gawin ang trabaho. Mapipilitan si Jun na magpanggap bilang kapatid ni Ju Tae, kaya magta-transform ito bilang Park Jun Jun, isang Koreanong negosyante.

Ang Seoulmeyt ay muka Viva Films at VinCentiments na nakipagsanib-puwersa sa Film Line Productions mula Korea, na tumulong din sa pag-produce ng iba pang pelikula ng Viva tulad ng Indakat Yung Libro Sa Napanood Ko.

Kasama rin sa pelikula sina Candy Pangilinan, Alma Moreno, at Isay Alvarez.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …