Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay kakasuhan nurse na haling na haling sa kanya 

HATAWAN
ni Ed de Leon

INIS na si Teejay Marquez noong isang umaga nang ipadala sa amin ang screen shot ng isang message para sa kanya na mula kay Marimar Aldama Santibanez. Iyan ang pangalang ginagamit ng isang baklang Nurse mula sa London na mukhang hanggang ngayon ay obsessed kay Teejay. 

Noong una ay sinasabi niyang may utang sa kanya si Teejay na P10-M. Pero sino ba naman ang magpapautang ng P10-M ng walang kahit na anong kasulatan. Kahit na mga bilyonaryo ay hindi gagawin iyon. AT kung kaya nga niyang magpautang ng P10-M ng ganoon lang, bakit nga ba nagtatrabaho pa iyan bilang isang OFW Nurse sa London? 

Ang sumunod ay nagpa-intrview pa iyon sa Podcast ni DJ Mo at sinabing boyfriend daw niya si Teejay at nagkuwento pa kung paano sila nagse-sex, na lahat naman ay ikinaila ni Teejay.

Eh sino ba ang paniniwalaan namin, si Teejay na matagal na naming kilala o iyong nurse na hindi namin kilala noon pa man?

Ngayon desidido na si Teejay na sampahan ng demanda ang naturang nurse at ang mga kasabwat niya sa paninira sa aktor. May sinasabi pa iyon na may video raw sila habang nagse-sex ni Teejay, eh ‘di ilabas niya kung mayroon. Kung kami ang ganoon ilalabas namin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …