Sunday , December 22 2024
Mama Mary Padre Pio

Ate Vi deboto ni Mama Mary at ng mga santo

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO pa nga ba ang hahanapin mo kung every now and then tumatawag ang Star for all Seasons sa iyo? Kinukumusta ang iyong kalagayan at nagpapakita ng concern. Kasama pa roon ang pangakong hindi siya tumitigil ng pagdarasal para sa iyo. Para sa amin iyon ang mahalaga eh, ilang ulit na rin naman kaming umabot sa isang near death experience at lagi rin namin sinasabing kung iyon na ang katapusan wala na kaming magagawa. Pero dahil sa dami ng nagdarasal para sa amin, nalampasan naming lahat iyon. 

Iyon ang dahilan kung bakit naging matibay ang aming debosyon kay Santo Padre Pio, sa Mahal na Birhen sa ilalim ng kanyang matamis na taguring Nuestra Senora delos Desamoparadios na patrona ng Santa Ana, Maynila, at ngayon maging kay San Miguel Arcanghel.

Kung ikukuwento namin lahat ang aming karanasan sa mga debosyong iyan, magagalit sa amin ang aming editor na si Maricris Nicasio dahil mapupuno ang kanyang pahina nang tungkol lang diyan. Pero kaya lang namin nabanggit, dahil si Ate Vi (Ms. Vilma Santos) man ay deboto ng mga santo. Ang debosyon niya bukod kay Padre Pio at sa Nuestra Senora de Caysasay na siyang patrona ng Taal at sa Our Lady Mediatrix of all Graces na sinasabing nagpakita sa kumbento ng mga madreng Carmelita sa Lipa.

Kamakailan, mayroon pa silang controversy nang ang isang paring kabilang sa mga tinatawag na “exorcist priests” ay hinuli at ikinulong ng pulisya dahil sa demandang isinampa laban sa kanya ng dating Sandigang Bayan Justice Herriet Demetriou.

Ayon sa dating mahistrado, sinabi raw ng pari sa isang napanood niyang video na ang aparisyon ng Mahal na Bihen sa Lipa ay hindi totoo at ang mga deboto niyon ay nagagamit lamang ng mga demonyo. 

Ayon naman sa pari, wala siyang sinabing ganoon, kundi binasa lamang niya ang isng dokumento mula sa Batikano na nagsasabing ang aparisyon ay walang katotohanan. Gayunman, sinabi ng dating justice na ang pananampalataya ng mga taong katulad niya ay dapat bigyang proteksiyon ng estado dahil iyon ang nakalagay sa batas.

Si Ate Vi, ayaw makialam sa controversy, “may mga nagsasabing hindi iyon totoo, may nagsasabi namang natatanggap nila ang biyayang hinihingi nila sa Diyos sa pamamagitan ng mahal na birhen. Siyam na taon akong mayor ng Lipa. Anim na taong congressman doon. Bukod pa sa siyam na taon akong gobernador ng Batangas. Nakita ko ang debosyon ng mga tao eh, simula sa isang prusisyon sa madaling araw hanggang gabi. 

“Nakita ko mabuti iyon dahil nagdarasal sila sa Diyos at sa Mahal na Bihen. Bakit ko sila pipigilan? Mabuti naman ang kanilang ginagawa. Hindi rin alam ng mga tao, si Mama, deboto ng Mahal na Birhen at wala siyang ginawa noong mga natitira niyang araw kundi gumawa ng rosario na ipinamimigay sa ibang mga deboto. 

“Madalas nga sa simbahan may mga lumalapit sa akin para sabihing Ate Vi, ‘itong rosaryo ko gawa ng mama mo.’ Nakatutuwa naman. Ako lang mismo sinasabi ko noon

sana naman po huwag pumutok ang bulkan sa panahon ng aking panununungkulan sa Batangas, kasi mahirap iyon. Nagwawala pero hindi ang pumutok ang bulkan. Noong pumutok iyon, hindi na ako governor. Congressman  na lang ako ng Lipa, ibig sabihin support na lang ako. Kung pumutok ang Taal noong pnahon ko, pati kayo iistorbohin ko.

“Sa ganoong sitwason hindi mo na masasabi kung ano ang dapat mong gawing una. Kaya ako hanggang ngayon, ganoon ang debosyon ko sa Birhen,” sabi ni Ate Vi.

Talagang kontrobersiyal iyang sinasabing milagro ng birhen sa kumbento ng mga Carmelita noon pa man, basta kami ang pinaniniwalan namin diyan ay ang kuwento ni Bishop Cesar Guerrero, dating Arsobispo ng San Fernando na isa sa nag-imbestiga sa milagro noong 1948 na may kakaibang kuwento kaysa lumabas na dokumento mula

sa Batikano noong 1951. 

May isang grupo pa niyang mga exorcist priest na pinalalayas daw ang demonyo mula sa kumbento, na ikinagagalit naman ng mga tao sa Lipa dahil mukha raw mas may dala pang demonyo ang mga pari dahil sa kung ano-anong sinasabi laban sa Ina ng Diyos.  Sa amin ding paniwala, sinasabing si Maria ang dudurog sa ulo ng demonyo,

paanong gagamitin ng demonyo si Maria?

Basta ang masasabi namin salamat Ate Vi, dinidinig ng Diyos ang iyong mga panalangin.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …