Sunday , December 22 2024
teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa gitna ng pagrepaso sa  Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE).

“Pakinggan natin ang ating mga guro, mga supervisor, mga superintendent, at mga punong-guro. Sila ang ating mga sundalo. Makinig tayo sa kanila,” ani Gatchalian.

Ibinahagi ni Gatchalian ang naging resulta ng kanyang mga konsultasyon sa mga guro sa Pangasinan, Davao, Cebu, at Metro Manila. Ayon sa Chairperson ng Senate Committee on Basic Education, isang hamon sa pagpapatupad ng polisiya sa mother tongue ang napakaraming mga wika sa bansa.

Bagama’t pormal na kinikilala ng polisiya ng MTB-MLE ng DepEd ang 19 wikang gamit sa pagtuturo, umabot sa 245 ang wikang naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Census of Population noong 2020.

Batay sa obserbasyon ng mambabatas, may ilang mga guro na hindi bihasa sa paggamit ng mother tongue ang napipilitang gamitin ito sa pagtuturo. Ibinahagi niya rin ang mga ulat ng mga guro na nahihirapan ang mga mag-aaral sa Grade 4, kung saan nagsisimula ang pag-aaral ng Math at Science sa Ingles, apat na taon matapos ang pag-aaral sa mga paksang ito gamit ang mother tongue.

Sa mga multilingual na paaralan, maaaring may diskriminasyong naidudulot ang MTB-MLE policy sa mga mag-aaral na gumagamit ng wika na hindi pareho sa lokal na wikang ginagamit sa pagtuturo.

Una nang tinukoy ng isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ginagamit ng mga paaralan ang mga lokal na wika na maaaring hindi pareho sa ginagamit ng mga mag-aaral sa bahay. Pinuna rin ng pag-aaral ang kaisipang isa lamang ang unang wika ng mga mag-aaral, bagama’t gumagamit ang mga mag-aaral ng maraming unang wika.

Ayon pa sa PIDS, wala pang 10% porsyento sa mga 16, 827 na lumahok sa kanilang pag-aaral ang nakapagsagawa ng apat na gawaing kailangan para sa epektibong pagpapatupad ng MTB-MLE. Kabilang dito ang pagsulat ng mga aklat sa wika, panitikan, at kultura; dokumentasyon ng ortograpiya ng wika; dokumentasyon ng balarila; at dokumentasyon ng diksyunaryo ng wika.

“Ipinatupad na natin ang MTB-MLE mula 2013, panahon na upang magsagawa tayo ng pagsusuri kung epektibo nga ito o hindi, at kung paano nito naaapektuhan ang pagkatuto ng ating mga mag-aaral,” pahayag ni Gatchalian.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …