HATAWAN
ni Ed de Leon
NAUUSO na naman ngayon ang mga bagyo matapos ang mahaba at napakatinding tag-init. Hindi kami sa kani-kanino, pero parang mas credible ng weather report ng GMA noong naroroon pa si Mang Tani. Gaya rin naman ni Mang Tani, iyong report ni Kuya Kim na binabasa ay galing lang naman din sa PAGASA. Pero dahil si Mang Tani ay isang totoong Meteorologist, mas credible siya dahil bilang isang Scientist ay pinag-aralan niya iyon at mas naiintindihan ang kanyang binabasa kaysa kay Kuya Kim na isang news presenter lamang. Iyon din ang kaibahan ni Mike Enriquez, isa kasi siyang newsman at hindi gaya ng iba na ang alam ay magbasa lamang ng balita mula sa scripts o sa teleprompter.
Ang GMA News ang nagsimula niyan noong araw pa, nang kunin nila ang forecaster na si Amado Pineda, tapos nga ay si Mang Tani.
Nakapagbibigay iyon ng dagdag na kredibilidad sa kanilang pagbabalita.