MATABIL
ni John Fontanilla
NASA bansa ngayon ang Korean Superstar na si Lee Seung Gi para makipag-meeting sa business magnate na si dating Gov. Chavit Singson para sa mga proyektong gagawin nito sa bansa.
Sa mini-presscon nito na ginanap sa Platinum Skies Aviation Hangar last May 26, sinabi nito na pag-uusapan pa nila ni Gov. Chavit ang proyektong kanyang gagawin.
Pag-amin ni Seung-Gi, nag-enjoy siya sa pamamasyal sa Baluarte ni Singson at hindi lang ang magagandang lugar sa Ilocos ang na enjoy niya dahil maging ang mga pagkain doon ay nagustuhan din ng sikat na singer at actor.
Wala namang planong pa si Lee Seung Gi na magsama ng iba pang Korean singers sa bansa. Mas gusto niyangmakagawa ng kanta para sa kanyang mga Pinoy fans.
Kaya naman kaabang-abang ang mga proyektong gagawin ni Lee Seung Gi sa bansa na one of this days ay ia-announce nilang dalawa ni Gov. Chavit.