MATABIL
ni John Fontanilla
VERY honest si Joshua Garcia na may mga craziest thing siyang ginagawa kapag heartbroken.
Ayon nga kay Joshua sa ginanap na media conference ng inaabangang teleserye na collaboration ng GMA, ABS CBN, at Viu, ang Unbreak My Heart na ginanap sa Seda Hotel, “Base sa natatandaan ko… nag-pandemic kasi noon eh so ‘yung time na ‘yun, craziest thing is ‘yung feeling ko inabot ako ng dalawang araw sa computer nang walang liguan. Crazy ‘yun ‘di ba? Walang tayuan.”
“Pero you know mayroon talagang ganong tao, ‘yung computer ang nakatulong sa akin to escape. Pero actually hindi pala siya nakatulong kasi naging escape siya sa nararamdaman ko lahat, doon ko na-process lahat,” anang aktor.
Hindi naman tuwirang sinabi ni Joshua kung sino ang babaeng nanakit ng kanyang puso noong mga panahong iyon.
Sa ibang banda masaya ang actor na mapasama sa collaboration project ng GMA 7, ABS CBN, at Viu at makatrabaho ang ilang Kapuso stars.
Mapapanood ang premiere ng Unbreak My Heart sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies sa May 29, 9:35 p.m., 11:25 p.m. sa GTV, & stream it 48 hours before its TV broadcast this May 27 sa GMANetwork.com, iWantTFC,
Ang UMH ay pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua, directed by Manny Palo and Dolly Dulu.