HATAWAN
ni Ed de Leon
ANO nga ba ang plano nila sa career ni Derrick Monasterio?
Matapos ang isang medyo seksing serye na kanyang ginawa na nag-rate naman, wala na tayong narinig, at ngayon si Derrick ay balik na naman sa pagmo-model ng brief.
Malakas naman ang following niya bilang model kaya panay ang labas ng kanyang mga picture sa social media na puro nga naka-brief. Tapos ang publicity pa niya sa mga iyon, lagi siyang inili-link sa ibang artistang pinaghihinalaang bading.
Sayang naman si Derrick. Mahirap ka nang makakita ng artista ngayong ganyan, na almost perfect ang hitsura, malakas ang batak sa fans at marunong din namang umarte. Kaunting puhunan na lang ang kailangan at kikita na iyan ng malaki.
Na ang ibig sabihin, kikita na rin ang network. Mas susugalan naman namin si Derrick kaysa mga baguhan nilang walang nararating. Mas mabilis naman siguro ang return of investment nila kay Derrick kaysa iba. Pero bakit nga ba parang pigil sila sa pag-pu-push ng career ni Derrick?