MATABIL
ni John Fontanilla
NAKIUSAP si Kakai Bautista sa publiko na ipanalangin ang motivational speaker na si Rendon Labador na kaliwa’t kanan ang kinasasangkutang kontrobersiya.
Sa FB account ni Kakai ay pinayuhan nito si Rendon na magpatingin na sa doctor.
“Kapatid, PATINGIN KANA,” anito na kinabitan pa niya ng “#PrayersForRendon.”
Hindi rin naiwasang mag-react ni Kakai sa video ni Rendon na hinahamon ang Bitag Live anchor na si Ben Tulfo.
Nang sabihin ni Ben na hindi nito papatulan ang motivational speaker dahil kabilin-bilinan sa kanila ng ina na huwag pumatol sa babae, may sagot agad si Rendon.
Anito, “Eh, ‘di pahuli mo ko. Hindi kita uurungan. Kung gusto mo ako na lang pumunta riyan para hindi ka na mahirapan.
“Ano, pa-Bitag mo ‘ko! Sabihin mo sa akin ang address, pupunta ‘ko ryan!” dagdag niya.