ni Ed de Leon
TOTOO iyon, may isa akong kaibigang lumipat sa isang bagong bahay. Bumili na siya ng isang mas malaking townhouse at
ibebenta na raw niya ang kanyang condominium na dating tinitirahan. Nangumbida siya ng dinner para tuloy makita raw namin ang kanyang bagong bahay.
Alam naman naming gay siya pero nagulat pa rin naman kami nang papasukin niya kami sa kanyang work room na naroon ang bago niyang computer na ipinagmamalaki sa amin.
Maganda nga ang computer at nakagugulat ang sounds gayundin ang malaki niyong computer.
Pero ang naka-shock sa amin ay isang napakalaking blow up, halos life size ang laki ng picture ng isang male starlet na hubo’t hubad sa larawan. Inamin sa amin ng bading na binayaran niya ang male starlet ng P10k para makipag-date sa kanya.
Ayos naman daw ang nangyari at dagdag na nga ang pag-pose niyon ng hubad para sa blow up af sa isang sex video na ginawa pa noon na ipinakita niya sa amin sa kanyang bagong computer. Iyong projection ng imahe ng male starlet at kung hindi namin nakita mismo iyon.
Hindi kami maniniwalang magagawa niya ang ganoon kahalay na video.