HATAWAN
ni Ed de Leon
NOONG isang araw ay naging paksa naman ng aming usapan ang bansang Morrocco, isang bansa sa Africa na hanggang ngayon ay nananatiling isang monarchial state, na pinamumunuan ng isang hari.
Maliit lamang subali’t mayaman ang bansa na naging get away ng mga European na gustong tumakas noon sa kaguluhan ng ikalawang digmaang pandaigdig. Naging location pa iyon at setting ng klasikong pelikulang Casablanca noong 1952.
Simula pa noon hanggang ngayon, ang namumuno sa kanila ay ang dynasty ng mga Alawi. Kaya may nagtanong nga, ibig sabihin kaanak pala ng kanilang hari ang sexy star dito na si Ivanah Alawi?
Hindi po, dahil ang tunay na apelyido ni Ivanah ay Al Alawi. Hindi siya kaanak ng hari.
Kung kaanak ba iyan ng hari ng Morrocco papasok pang sexy star sa Pilipinas na halos barya lang ang suweldo at makasisira pa sa image ng kanilang angkan?