Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sachzna Laparan Jerome Ponce Jomar lovena veybillyn gorens

Away nina Sachzna Laparan, Youtuber tumitindi, posibleng umabot sa korte

HATAWAN
ni Ed de Leon

IYANG mga parinigan sa social media, ewan nga ba kung bakit nauso iyan. Sila-sila rin namang mga vlogger ang nag-aaway. Tingnan ninyo ngayon, iyong starlet at modelo ring si Sachzna Laparan idedemanda raw ng isang Youtuber na nagsabing siya ay kabit.

Pinagsabihan naman siya ng ganoon dahil daw sa isang video na sumasayaw pa siya sa harap ng asawa niyon na partner naman niya sa kanyang vlog. Binilinan na nga raw sila ni misis na huwag masyadong magdidikit dahil baka kung ano ang sabihin ng ibang tao, kasi nga katatapos pa lamang makipag-break ni Sachzna sa kanyang boyfriend, ang aktor na si Jerome Ponce, pero hindi nga raw nangyari kung ano ang ipinagbilin. Pero ewan kung ano ang totoo, kasi ang narinig naman naming tsismis ang madalas na nakakasama ni Sachzna ay isang poging male starlet din na kasamahan niya sa kompanya ng pelikula. 

Ewan kung ano ang totoo pero mukha ngang magkakaroon pa sila ng problemang aabot pa sa korte. Ewan lang, pero kung kami ang tatanungin, iyang ganyang maliliit na poblema, dapat inaayos na lang nila. Tambak na ang kaso sa mga korte natin. Kulang na kulang ang mga korte sa Pilipinas kung ibabatay mo sa dami ng kaso. Dahil diyan nagtatagal ang paglilitis at pagbaba ng desisyon ng korte sa mahahalagang kaso, kasi nga natatambakan sila ng mga petty crimes na hindi naman maaaring hindi rin nila dinggin. Nagtalaga na nga ng mga mediation court, pero may makukulit na gusto talagang iakyat pa sa korte ang kanilang kaso.

Iyang kaso ni Sachzna at ng asawa ng kanyang vlog partner sana mapag-usapan na lang nila, magpatawaran na lang sila kung sino man ang may kasalanan. Huwag nang palakihin pa ang ganyang maliliit na away.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …