Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

Matteo nasa puso ang pakikipagbati sa magulang ni Sarah

REALITY BITES
ni Dominic Rea

PAGKATAPOS magkaroon ng contract signing at grand welcome ang Kapuso Network para kay Matteo Guidicelli ay sumalang ito kaagad sa daily morning show na Unang Hirit. 

Bongga ang naging pagtanggap sa kanya ng nadatnang host nito at ilang ulit din nitong binati ang asawang si Sarah Geronimo.

Nagkaroon ng press interview para kay Matteo at sinagot nito ang ilang katanungan ng press. Kilala ko kung paano sumagot si Matteo pagdating sa ganyang interviews. Diretso at walang kiyeme. 

Tulad ng tanong sa kanya kung may posibilidad bang magkaayos na sila ng mga magulang ng kanyang misis na si Sarah sa mga darating na panahon. 

Halatang nasa puso talaga ni Matteo ang pagmamahal at respeto sa mga magulang ni Sarah. Sa naging sagot niya na lumabas sa isang online portal ay ramdam mong hoping si Matteo na magiging masaya rin ang lahat.

They’re my in-laws and I wish to love them. I wish to love them for Sarah’s sake, for the family’s sake,” ayon pa kay Matteo. 

Batid naman nating lahat na hindi naging maganda ang outcome ng biglaan at lihim na pagpapakasal ng dalawa noon na ikinasama ng loob ng magulang ni Sarah hanggang ngayon.

Well, pasasaan ba’t magiging maayos din ang relasyon ng dalawang pamilya pagdating ng panahon ayon pa nga sa kanta ni Ice Seguerra. ‘Yun na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …