MATABIL
ni John Fontanilla
INAMIN ng batam-batang direktor na si Fifth Solomon na nakatikim na siya ng pagtataray at pambabastos mula sa isang senior star noong nagsisimula pa lang siyang director.
Kuwento ni Fifth “Noong nagsisimula pa lang akong direktor may isang senior actor
na kasama sa pelikulang ginagawa ko na dinadaan-daanan lang ako sa set.
“And may insidente na nagbibigay ako ng instruction tapos nagpi-picture siya ganyan.
“Tapos nakatakip ako sa ilaw ang sabi niya sa akin tumabi ka nga riyan, tumabi kasi. So, nagulat ako at maging ‘yung mga bidang artista.
“One day lang siya ‘di na siya bumalik sa shooting, kaya nakasama siya sa movie sa isang eksena lang.”
At dahil sa nangyari ay ayaw na niya iyon makatrabaho.
“No! Kasi para sa akin ‘pag bastos talaga ayoko na makipagtrabaho, dapat kahit P.A. pa ‘yan, direktor o kahit baguhan dapat iginagalang mo at binibigyan mo ng respeto.”
At kahit nga nabastos ito sa inasal ng nasabing senior actor ay ngumiti na lang si Fifth at ipinagpatuloy ang trabaho, dahil ang main concern niya ng mga sandaling iyon ay mapaganda ang kanilang pelikula.