MATABIL
ni John Fontanilla
GRABENG hiyawan at palakpakan ang iginawad sa lahat ng performers ng mga taong nanood sa Pistahan sa Udyong, Gabi ng mga Bituin concert na ginanap sa plaza ng Orion, Bataan para sa kanilang kapistahan last May 9. Ito ay hatid ng Intele Builders and Development Corporation nina Madam Cecille Bravo at Don Pedro Bravo sa pakikipagtulungan nina Kapitan Jesselton Manaid at Mayor Antonio Reymundo Jr..
Hiyawan at palakpakan nga ang isinukli ng mga manonood ng gabing iyon sa bonggang-bonggang performance nina Asia’s Timeless Diva Dulce, Asia’s Crystal Voice Sheryn Regis, Ima Castro, Sephy Francisco, Madam Inutz, at Millenial Pop Princess Janah Zaplan.
Winner naman sa mga kababaihan at mga member LGBT ang mga male celebrity na nag-perform mula kay Its Showtime Bidaman Wize Estabillo, Poppert, Jopper Ril, Ejay Arrieta Jr., Klinton Start, at Teejay Marquez.
Nagsilbing host sa pa-concert sina John Nite at Baranggay LSFM DJ na si Janna Chu Chu. Directed by Raoul Barbosa at Assistant Director naman si Jeffrey Dizon.