ni Ed de Leon
UNTI-UNTI na raw kumakalat ang isang six minutes video ni male starlet. Ibig sabihin ay mas mahaba at mas malinaw sa nauna niyang scandal. Hindi kasi siya nadala eh. Noong una naisahan lang siya ng isang ka-chat niya na hindi niya alam nagre-record pala ng lahat ng ginagawa nila.
Pero sa second video, alam niya dahil kausap pa niya ang kumukuha ng video at saka binayaran kasi siya. Ang usapan nila ay isang pivate video lamang iyon. Eh kaso, nainis yata sa kanya ang bading.
Ngayon ay ipinanonood na niya iyon sa mga friend niya, para kompirmahing ang male starlet nga ay pahada.
Naku sira na ang image ng batang iyan kung ganyan. Bistado na siyang pumapasada sa mga bading.