Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto  Barbie Forteza David Licauco

Barbie ‘di maitago pagmamahal kay Jack (kahit pilit na iniuugnay kay David)

HATAWAN
ni Ed de Leon

BUMIGAY din si Barbie Forteza sa interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda. Roon sa kanilang Fastalk, pinagkompara ni  Boy si Jak Roberto na syota ni Barbie, at David Licauco na inila-love team sa kanya ng network. 

Ang unang tanong ay yakap, hindi sumagot si Barbie. Definitely nayakap na siya ni David dahil sa kanilang mga ginawang eksena. Tapos pinag-compare ang halik, at ang sagot ni Barbie, “ewan ko hindi ko pa naman nakakahalikan si David.”

Maliwanag na inaamin ni Barbie na ang syota pa rin niya ay si Jak. Nakikita rin sa kanyang mga reaksiyon na si David ay love team nga lamang sa telebisyon, walang personal doon.Hindi naman talaga maaaring itago ng mga artista ang tunay nilang relasyon kahit na mayroon silang love team. Mayroon talagang love affairs na hanggang sa harap lang ng camera, iyong sa likod ng camera huwag na nilang

pakialaman iyon dahil lalabas din naman ang totoo.

Mayoon pa nga ang akala namin talagang magsyota na pero nang makausap namin ang male star, sumusumpa na hindi nga raw niya nililigawan ang trying hard na ka-love team niya. Siguro iyong girl may gusto rin sa boy, pero iyong boy wala talagang feelings sa girl eh, “kailangan lang sakyan, utos ng mga boss eh,” sabi pa sa amin ng male

star.

Ewan kung malalaman iyan ni Liza Soberano, tiyak na sasabihin niyon na tama ang lahat ng kanyang sinasabi tungkol sa mga love team. Sayang wala namang nag-aalok ng doctorate degree sa mga bagay na iyan. Sana may magagamitan pa siya ng kanyang mga gown bukod sa mga red carpet premiere nang hindi naman niya mga pelikula. Hindi naman talaga puwedeng make believe lang ang lahat sa entertainment eh. Kailangan totoo rin naman kahit paano. May emosyon ng isa’t isa kahit na kaunti lang.

O kaya hindi na sila dapat inihahaharap sa mga interview na maaari silang madulas at sabihin ang katotohanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …