Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Lovi Poe

Lovi sobra-sobra ang paghanga kay Coco bilang direktor/actor

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang kiligin ni Lovi Poe nang kunan ang kanyang debut scene sa hit ABS-CBN series na FPJ’s Batang QuiapoIto’y dahil sa pakikipaghalikan niya kay Coco Martin sa nasabing episode na nag-viral kamakailan.

Ayon kay Lovi, “Inaasar nga ako ni Tatay (Pen Medina) na ‘Ang landi-landi mo!’

Mahirap naman kasing hindi kiligin, eh. Sabi ko nga, nagdidirek pa lang siya…mahirap kasi talagang hindi kiligin!  

“Hindi maiiwasan, eh, kasi kapag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek at the same time, habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene kami, makikita mo after niyon, siya pa ‘yung magka-cut, siya pa ‘yung magsasabi kung saan (ang anggulo), so mahirap na hindi kiligin talaga,” paliwanag ni Lovi. 

At sa nasabing eksena ay marami talaga ang kinilig maging ang manonood dahil bagay na bagay at click ang tandem nina Tanggol at Mokang.

Marami nga ang nagsasabing dapat ay sagutin na ni Mokang si Tanggol. At dapat  abangan gabi-gabi ang mga kapana-panabik na eksena ng FPJ’ s Batang Quiapo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …