MATABIL
ni John Fontanilla
NAKABIBILIB si Kych Minemoto dahil bukod sa pag-arte ay nagtayo na rin ito ng sariling film production na matagal na niyang pinapangarap.
Kuwento nito nang kamustahin namin kung ano ba ang pinagkaka-abalahan ngayon, “Ngayon po galing ako El Nido, nag-shoot po ako ng concept pitch for sa feature film.
“Bukod sa kakalipat ko pa lang po ng management, nasa Cornerstone na po ako under kay Caress Caballero. Nag-try po ako mag-put-up ng small film production.So tinry po naming mag-produce ng concept film at waiting din po sa screening ng ibang pelikula sa iba’t ibang production.“
Aminado si Kych na mahirap ang mag-put-up ng film production lalo na’t limitado ang budget. “Mahirap po kasi limited lang po ‘yung budget na nakalaan, so limited lang din po ‘yung time ng pag-shoot ng isang concept pitch.
“Ang magagawa lang din talaga namin is gamitin ‘yung kung anong mayroon kami right now, like the budget, the equipment, the talent and experience na andyan.
“Sobrang sarap po makita ng process namin and ‘yun ‘yung simulang kuwento ng production company namin and I’m really excited sa mga future projects. But now mas nag-focus po kami sa editing and kung saan po pwede ibenta ‘yung concept pitch ng isang feature film. ‘Yun naman po siguro ‘yung next step ng isang production company para mabuo na po ‘yung screenplay,” kuwento ni Kych.
Dagdag pa nito, “May binubuo rin po kaming brand ni Dylan Talon which is ‘yung director din namin sa concept pitch. Bumuo po kami ng brand para sa film Industry and maybe isasabay na rin po namin ‘yung screening ng concept pitch and ng launch ng brand soon para sabay-sabay po.“
Ibinahagi rin nito kung anong naging inspirasyon niya kung bakit sila nagbuo ng film production. “Eversince po sobrang fan na po talaga ako ng film making, akala ko rin dati mas sa production side ako mapupunta, sa film, pero mas inilagay talaga ako ni universe sa acting.
“And ito po ‘yung nag-lead ng way ko para mas ma-inspire na bumuo naman ng production company at magkuwento. Naniniwala rin po ako sa talent ng mga Pinoy na kaya po natin lumabas ng bansa at ipakita ang talent natin.
“Siguro isang bagay din po ng nag-inspire sa akin na magtayo ng film production, dahil mahilig po kasi ako magnegosyo and na-realize ko na if magnegosyo ako bakit hindi pa po sa mundo kung saan po ako gumagalaw, and para mas mapalawak pa po ‘yung maambag ko sa film industry.
“Nag-inspire pa rin sa akin ‘yung mga tao sa paligid ko, at importante po talaga ‘yung trust at suporta sa isa’t isa. Naniniwala rin po kasi ako sa talent ng mga taong kasama ko sa production na kailangan makita ng lahat,” pagbabahagi pa ni Kych.