Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lian Paz  John Cabahug Paolo Contis

Dating asawa ni Paolo na si Lian maganda na ang buhay sa Cebu

I-FLEX
ni Jun Nardo

AMINADO ang dating wife ni Paolo Contis na si Lian Paz na malaki ang tulong ng kanyang bagong partner na taga-Cebu, si John Cabahug.

Nakausap si Lian sa kinabibilangan naming Marites University podcast/You Tube channel na sa Cebu na naka-base.

Hirap na hirap ako noon. Hindi ko alam kung paano ko palalakihin ang mga anak ko. Eh dahil sa faith ko kay Lord, naging maayos naman ang buhay ko at ibinigay sa akin ang partner ko ngayong si John mula sa Cabahug clan ng Cebu,” pahayag ni Lian.

Isa si Lian sa members ng Eat Bulaga’s EB Babes. Eh maagang nag-asawa kaya naman hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang career.

Ngayon nga eh may negosyo na si Lian na Malunggay drink na sa on-line nabibili. Eh kahit wala siyang natatanggap mula kay Paolo, hindi naman niya ipinagkakait ang mga anak niya.

Puwede naman niyang makita ang mga anak namin. Right now, ang mapa-annul ang kasal namin ang inakaso ko,” sabi ni Lian.

Kahit may apat na anak – dalawa kay Paolo, isa sa partner niya at isa sa kanilang mag-partner–“God is very good sa amin. Lumalaki na mga anak ko at gusto kong matapos nila ang kanilang pag-aaral.”

Maganda at sexy pa rin si Lian pero wala nang balak balikan ang showbiz. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …