Sunday , December 22 2024
Anne Curtis Dahlia

Anak ni Anne na si Dahlia ‘di malayong mag-artista rin

HATAWAN
ni Ed de Leon

SALAMAT naman at sa wakas gumaling na rin ang anak ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie. Worried talaga si Anne dahil sa kanyang pabalik-balik na lagnat, at kung ganoon nga ang isang bata, tiyak may infection na hindi naman nila alam kung ano.

Siyempre puro mahuhusay na doktor naman ang tumingin sa kalagayan ng kanyang anak, pero tama si Anne ang paggaling ng anak niya ay dahil sa maraming nagdasal para gumaling na iyon. After all sino nga ba ang nagde-decide sa kagalingan ng isang tao kundi ang Diyos lamang. Pero may nagtatanong naman, kung puro kabutihan ang hangad ng Diyos, bakit mayroon din namang ipinagdarasal pero namamatay pa rin? 

Hindi natin alam kung bakit ganoon ang kalooban ng Diyos pero ano man ang mangyari, pinaniniwalaan nating iyon ang pinakamabuti para sa taong ipinagdarasal natin.

Sinasabi na nga namin, kami lang, apat na beses nang inatake sa puso, nito lamang kamakailan stroke pa ang nakadale sa amin. Milagro na lang talaga at nakaligtas pa kami. Iyong mga dinaanan naming sakit ay hindi biro-biro, at wala naman kaming pera para itustos sa maayos na pagpapagamot, pero sa awa ng Diyos at sa tulong ng aming mga kaibigan, nalampasan naming lahat iyon.Talagang ang lahat ay nakasalalay pa rin sa awa ng Diyos kahit na sino ka pa.

Mabalik naman tayo sa anak ni Anne, naniniwala kami na hindi magtatagal at  papasok na rin iyan sa showsbusiness, aba eh noon pa sila kinukulit para gawin iyong model sa mga commercial. Alam naman ninyo ang mga tao sa advertising, laging on the look sa magagandang bata. Pero ang sinasabi naman ni Anne, ayaw pa nga raw ni Erwan Heussaff (asawa ni Anne) na ang kanilang anak ay masabak sa mga trabaho habang maliit pa iyon.

“We would like to wait for the time when she can decide for herself, then if she wants to, hindi naman namin siya pipigilan. It’s her life,” sabi ni Anne.

“Kagaya ko rin, no one really told me I should be in showbusiness, it just came, and I liked it kaya nagtuloy-tuloy na ako. It was my decision and therefore everything that goes with it is my responsibility. Ganoon din ang gusto namin sa kanya, “sabi pa ng

aktres.

Pero sa dami ng kumukumbinsi sa kanila, ewan lang kung hindi rin sila pumayag na maski na sa commercials lang ay pumasok na ang kanilang anak.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …