MATABIL
ni John Fontanilla
BUSY as a bee at halos walang pahinga at tulog dahil sa araw-araw na trabaho si Will Ashley at isa sa talaga namang inaalagaan at ginu-groom ng GMA 7 para sumunod sa yapak nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.
Kuwento ni Will, “Straight four days pong idlip lang talaga ang pahinga ko, sunod-sunod po kasi ang trabaho mula taping ng bago kong teleserye, guestings, at mall at provincial shows.
“Pero okey lang po sa akin dahil blessed ako sa dami ng projects na ginagawa ko ngayon, ang mahalaga ‘di po ako nawalan ng trabaho.
“Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA at sa Sparkle sa magandang pag-aalaga sa akin.”
At isa nga sa pinagkakaabalahan nito ay ang taping ng pinakamalaking serye ng GMA 7 at ABS-CBN ngayong taon, ang Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Joshua Garcia, Richard Yap atbp.at ang pelikulang Poon at Xander and Ysha X & Y.