Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bidaman Wize

Bidaman Wize kinabog ang mga male Star Magic 

MATABIL
ni John Fontanilla

WAGING-WAGI among the boys of Starmagic ang summer outfit ni Bidaman Wize Estabillo sa katatapos na Starmagic Hot Summer, LaHot Sexy 2023 na ginanap sa The Island PH, BGC Taguig City last May 4.

Ang kasuotan ni Wize ay gawa ng mahusay na designer na si Manny Halasan at ng kanyang stylist na si Kyhven Arth na isang Greek God inspired outfit.

At kahit hindi nga ito nagwagi sa botohan online sa Lahottest King na pinagwagian ni Ian Rances ay winner pa rin ito sa mga netizen.

At kahit hindi ako nanalo bilang Lahottest ay masaya na rin ako dahil nagustuhan ng mga tao ‘yung suot ko.

“Kaya naman nagpapasalamat ako sa aking designer na si sir Manny Halasan at sa aking stylist na si Kyvhen Arth.

“Malay natin next year masungkit ko na ang LaHottest King title,” nakangiting pahayag ni Wize.

Samantala, isa ang actor sa naging escort sa Santacruzan ng Barangay Lati, Orion Bataan kasama ang 2021 Supranational Philippines na si Dindi Pajares, Kapuso Teen Actress Elijah Allejo, Actor Teejay Marquez, Beauty Queen Actress Nicole Budol, Businessman and Influencer Wilbert Tolentino, Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start atbp. last May 1.

Regular din itong napapanood sa Its Showtime Online U everyday at sa iba’t ibang TV shows.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …