REALITY BITES
ni Dominic Rea
NAKAKALOKA! Kawawa naman ang talent manager na ito na never ko namang naging close dahil noon pa lang ay feelingerang dambuhalang tao na sa showbiz at feeling untouchable pa.
Ang siste, naku, halos wala na palang natirang hinahawakang artista o talent ang manager na ito dahil naglayasan na ang mga talent niya.
In fairness, may mga pangalan din sa industry ang mga naging talent niyang nang-iwan sa kanya huh.
Grabe raw kasi, ang siste, lumalabo raw kasi ang mata ng talent manager kapag pera na ang pag-uusapan. Ibang level daw? Kumbaga sa Ilonggo, maru ang talent manager at may pagka-maru raw pagdating talaga sa mga perang ipinapasok ng kanyang mga dating talent?
Baka tsismis lang ito? Baka naman kimerot ni kempertot lang ito? Pero hindi eh! Kinompirma talaga sa akin ng isang kasosyong bubwit na laging tumitweet! Kaloka! Akala ko ba naman matino ‘yan? Ang sosyal-sosyal niya eh.